Home HOME BANNER STORY MMDA: Provincial buses papayagan sa EDSA sa Pasko

MMDA: Provincial buses papayagan sa EDSA sa Pasko

249
0

MANILA, Philippines – Pansamantalang pahihintulutan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang provincial buses na dumaan sa EDSA upang ma-accommodate ang inaasahang dami ng pasahero papuntang probinsya ngayong Pasko.

Simula December 20, makakadaan ang mga provincial buses sa EDSA tuwing off-peak hours mula 10 p.m. hanggang 5 a.m. Mula December 24 hanggang January 2, 2026, papayagan ang provincial buses sa EDSA 24 oras upang mapadali ang biyahe at mabawasan ang siksikan sa mga terminal.

Ang mga bus mula North Luzon ay maaaring huminto sa mga terminal sa Cubao, Quezon City. Samantala, ang mga bus mula South Luzon ay puwedeng mag-drop off lamang sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) at sa Pasay.

Ayon sa MMDA, bahagi ito ng kanilang traffic mitigation measures para sa Pasko upang mas mabilis at maayos ang biyahe ng mga pasahero at provincial buses. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here