Tila patuloy nainit ang kontrobersyal na kaganapan sa nakalipas na “Gabi ng Parangal” ng 2024 Metro Manila Film Festival (MMFF) kamakailan.
Ayon sa mga naglabas ng komento at inis na mga netizens, tila daw na denomina ng isang jury ang resulta at awarding. Porke ito daw ay isang beterano sa industriya at government-appointed.
Ayon sa mga kritiko kung saan iba dito ay nasa industriya din ng SHOWBIZ, nakaka dismaya ang mga naging resulta ng nag wagi sa Gabi ng Parangal at halata na minapula ang nasabing parangal.
Dagdag ng isa sa reliable sources, maging ang proseso ng scoring system ay nagbago umano ng last minute na tinala sinadya ng isa sa jury kung saan tila ito na ang nagkondisyon kung sino ang mga magiging nominado at mananalo.
Critics and observers expressed disappointment, claiming that the results were not a true reflection of the jury’s collective deliberation but rather the outcome of manipulation by this influential personality.
Ilan sa mga gigil na gigil sa nasabing “pangaral” ay ang mga masugid na taga-hanga ni Aga Muhlach kung saan ito daw ay na “snubbed” sa kabila ng husay ng multi-awarded na aktor at magaling na pag ganap nito.
Maging mga followers ng beteranang aktres na si Eugene Domingo ay hindi pinalusot ang naging resulta ng MMFF 2024 kung saan obvious daw ang pag manipula ng nasabing beterano sa jury na kung saan ito rin ay isa din na direktor, kaya daw hindi ito gumalaw na mali laban sa kapwa kasamahan sa industriya.
Dagdag ng ilang kapwa artista na naka saksi, tila dahil sa naganap ay nawawala ang intrgridad ng MMFF at nasasayang ang mga tunay na karapat dapat na mga aktor na mapabilang o mag wagi. RNT