ISA si Navotas Mayor John Rey Tiangco sa lumagda sa Memorandum of Agreement (MOA) para sa Nationwide Classroom Building Program ni Pres. Bongbong Marcos at ng Department of Education.
Layunin nitong pabilisin ang pagtatayo, rehabilitasyon, at pagkukumpuni ng mga silid-aralan sa buong bansa.
Sa pamamagitan ng programang ito, mas mapapabuti ang learning environment ng mga mag-aaral at mas masuportahan ang mga guro sa kanilang mahalagang tungkulin. JOJO RABULAN