Home HOME BANNER STORY Modified duty rates magpapababa sa presyo ng imported na bigas ng P6...

Modified duty rates magpapababa sa presyo ng imported na bigas ng P6 ‘gang P7

MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Agriculture nitong Sabado, Hunyo 22 na magpapababa ng P6 hanggang P7 sa presyo ng mga imported na bigas ang pagbabago sa import duty rates ng ilang commodities.

“Ini-expect natin, ayon na rin sa unang pagtaya ng Philippine Statistics Authority (PSA), na bababa ang halaga ng imported na bigas from six to seven pesos because of this tariff reduction,” pagbabahagi ni DA Assistant Secretary Arnel de Mesa sa isang news forum.

Ani De Mesa, sa ilalim ng EO 62, ang tariff reduction para sa bigas ay ipatutupad bago ang Hulyo 6, 2024, o 15 araw matapos itong mailathala. Ang tariff reduction naman para sa commodities ay eepekto 30 araw matapos ang publikasyon nito.

“So kung July 6 siya magiging effective, we can expect within August na magkakaroon na ng mga darating na bigas kung i-a-apply agad ‘yung bagong tariff scheme sa bigas,” sinabi pa ni De Mesa.

Sa ilalim ng Executive Order No. 62, ang ilang commodities katulad ng animal products, plants, pharmaceutical needs, chemicals, at iba pa, ay ilalagay sa Most Favored Nation (MFN) rates of duty.

“There is a need for a new multi-year and comprehensive tariff schedule that will provide a transparent and predictable tariff structure, and allow businesses to engage in medium- to long-term planning to improve productivity and competitiveness, facilitate trade, and enhance consumer welfare,” saad sa EO.

“The implementation of an updated comprehensive tariff schedule aims to augment supply, manage prices, and temper inflationary pressure of various commodities, consistent with the Philippine national interest and the objective of safeguarding the purchasing power of Filipinos,” dagdag pa. RNT/JGC