Home NATIONWIDE Monster ship ng China nasa Escoda shoal pa rin

Monster ship ng China nasa Escoda shoal pa rin

129
0

MANILA, Philippines – Nananatili sa Escoda (Sabina) Shoal ang dambuhalang barko ng Chinese Coast Guard taliwas sa naunang ulat na umalis na ito, ayon kay PCG spokesperson for the West Philippine Sea (WPS) Commodore Jay Tarriela.

Kinumpirma rin ni Tarriela ang presensya ng 135-meter CCG ship na may hull number 5303 sa loob ng exclusive economic zone (EZZ).

Naispatan ang barko sa layong 60 nautical miles ng Lubang Island noong Hulyo 14 base na rin sa WPS monitor na si Ray Powell.

Isiniwalat ni Powell sa post sa X na tinapos ng CCG 5303 ang dalawang araw na aktibidad ng paglalayag sa labas ng Lubang Island kahapon ngunit pinalawak pa nito ang mapanghimasok na patrol nito sa mas malapit na baybayin ng Pilipinas.

“It is now moving 35 hanggang 40 nautical miles mula sa northern Palawan malapit sa El Nido,” ani Tarriela.

Sinabi ni Tarriela na mahigpit na binabantayan ng PCG ang pinakamalaking barko ng China at ipinadala ang BRP Melchora Aquino bilang tugon sa iba pang barko na patungo sa Palawan.

Noong Martes, kinumpirma ni Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, Navy spokesperson for the WPS na ang monster ship ay lumabas sa EEZ ng bansa.

“It is no longer off Escoda Shoal,” sabi ni Trinidad at idinagdag na walang kapalit na ipinadala.

Base sa naunang ulat, ipinadala rin sa katubigan ng Escoda Shoal noong Hulyo 3 ang CCG gigantic patrol cutter, isa ring pinakamalaking coast guard vessel sa buong mundo. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here