Home METRO Most wanted ‘rapist’ naaresto pagkatapos magsimba sa Baclaran

Most wanted ‘rapist’ naaresto pagkatapos magsimba sa Baclaran

264
0

MANILA, Philippines – Naaresto ang isang 44-anyos na lalaki sa labas ng Baclaran Church sa Paranaque City noong Nobyembre 20 dahil sa panghahalay umano sa kanyang menor de edad na stepdaughter.

Ang suspek na tinaguriang most wanted person sa Basud, Camarines Norte, dahil sa anim na bilang ng statutory rape dahil sa paulit-ulit na panggagahasa sa biktima noong siya ay 15 taong gulang pa lamang noong 2023.

Ang suspek ay inaresto ng mga operatiba ng Basud Municipal Police kakatapos lang nitong dumalo sa misa.

Sinabi ng pulisya na palipat-lipat ang suspek sa isang lugar sa Cavite hanggang sa mahuli itong naglalakad sa labas ng simbahan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here