Home NATIONWIDE Most wanted rapist sa Isabela, himas-rehas

Most wanted rapist sa Isabela, himas-rehas

165
0

SAN PABLO, Isabela – Himas rehas ang akusado sa kasong rape o panggagahasa na tinaguriang Top 9 Most Wanted Person Provincial Level matapos na mahuli ng pulisya sa sa Brgy. Bungad, San Pablo, Isabela.

Sa ipinarating na ulat ni PMaj. Jay-ar Olya-on, hepe ng San Pablo Police Station kay PCol. Lee Allen B. Bauding, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office o IPPO ang suspek ay kinilalang si alyas “Akie,” na kabilang sa listahan ng No. 9 Top Most Wanted Person sa probinsya sa kasong Qualified Rape.

Sa bisa ng mandamiento De aresto na inisyu noong Agosto 27, 2024 ay naaresto ng mga tauhan ng San Pablo Police Station (Lead Unit) sa pakikipag-ugnayan sa Provincial Intelligence Unit (PIU-IPPO) at Regional Intelligence Unit 2 (RIU2-PIT) ang akusado na walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.

Pansamantala nasa kustodiya ng pulisya ang akusado para sa kaukulang dukomentasyon at tamang disposisyon. Rey Velasco

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here