Home METRO Most wanted sa kasong frustrated murder, 11 durugista nalambat sa Bulacan ops

Most wanted sa kasong frustrated murder, 11 durugista nalambat sa Bulacan ops

315
0

BULACAN, Philippines – Arestado ng mga awtoridad ang Most Wanted Person (Municipal level) sa bisa ng Warrant of Arrest (WOA) sa bayan ng Santa Maria nitong hapon ng Nobyembre 13.

Sa ulat ni PLTCOL Mark Louie Sigua, Acting chief of police ng Santa Maria police station, kinilala ang akusado na si alyas Rico, 45, residente ng Brgy. Tumana.

Ayon sa ulat, isinilbi sa akusado ang WOA ng mga tauhan ng naturang istasyon bandang 2:50 ng hapon sa nasabing lugar.

Nabatid na ang WOA sa kasong frustrated murder na may rekomendadong piyansang P200,000.00 ay inilabas ng Presiding Judge ng San Jose Del Monte City noong Oktubre 17, 2025.

Samantala, nasa 11 indibiduwal na umano’y sangkot sa iligal na droga ang naaresto sa drug bust operation ng Guiguinto, DRT, San Miguel, San Ildefonso, Calumpit at Meycauayan police station nitong Nobyembre 13.

Nasasam sa magkakahiwalay na operasyon ang kabuuang 19 na sachets na hinihinalang shabu na nasa halagang P67,320 at buy-bust money.

Nahaharap ang mga naaresto habang nasa kostudiya ng istasyong humuli sa kanila. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here