Home NATIONWIDE MPD naglabas ng safety tips sa mga dadalo sa Traslacion 2026

MPD naglabas ng safety tips sa mga dadalo sa Traslacion 2026

224
0

MANILA, Philippines – Bilang paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mga deboto ng Poong Jesus Nazareno sa Enero 9, ang Manila Police District ay naglabas ng payo o gabay para sa ligtas na pagdalo sa kapistahan.

Ayon sa MPD, iwasang magdala ng bag at gadget, at huwag isama ang mga sanggol o bata at senior citizen.

Pinayuhan din ang mga may sakit lalo na ang mga buntis na huwag nang dumalo sa Enero 9 gayundin ang mga nakainom ng alak.

Magsuot ng kumportableng damit at uminom ng maraming tubig.

Umaasa ang MPD na mabawasan ang krimen at mga masasaktan sa pista ng Jesus Nazareno.

Ito ay dahil na rin sa mga ginawang paghahanda ng simbahanh katolika, katuwang ang PNP, mga deboto at mga volunteer. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here