Home ENTERTAINMENT Mr. M, tsugi as ‘vibe’ director ng TV5?ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Mr. M, tsugi as ‘vibe’ director ng TV5?June 7, 2026 11:2910 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Walang kontrata si Johnny Manahan–o mas kilala bilang Mr. M sa Vibe, ang show sa TV5.Ito ang nilinaw ng isang source matapos kumalat ang tsikang tinanggal ang star builder sa Kapatid network.Pagkokorek ng source, he was not removed out of the show–ang Vibe nga.Unang-una, mataas daw kasi ang talent fee ni Mr. M kaya naghanap ng kapalit.Ang problema lang, hindi daw siya kinausap nang harapan.Samantala, sa paglunsad ng Star Worx Block 1 artists ay kailangan ng mga ito ng exposure.Kailangang mapanood sila palagi sa mga show ng TV5 para makilala at ma-hone ang talent.Swak sila sa Vibe being the only variety show on TV5, dahil hindi naman puwede sa Secret in Prague o My Bespren Emman.Dahil wala na nga si Mr. M sa Vibe, paano na? Ronnie Carrasco III