Home NATIONWIDE Muling pagbubukas ng PUV consolidation aarangkada ‘gang Nob. 29

Muling pagbubukas ng PUV consolidation aarangkada ‘gang Nob. 29

125
0

MANILA, Philippines- Binigyan na lamang ng hanggang Nobyembre 29 para sumali sa mga kasalukuyang transport cooperative o korporasyon ang unconsolidated public utility vehicle (PUV) operators para sa Public Transport Modernization Program (PTMP) ng gobyerno.

Inimbitahan naman ni Department of Transportation (DOTr) Undersecretary for Road Transport and Infrastructure Andy Ortega ang unconsolidated PUV operators na bumisita sa mga tanggapan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa konsolidasyon.

Gayunman, hindi magpapatuloy ang paglikha ng mga bagong transport cooperative o korporasyon.

Ang mga nais ma-consolidate sa nasabing panahon ay limitado sa pagsali sa mga umiiral na, maliban sa mga tumatakbo sa mga rutang walang transport cooperatives.

Ang bagong consolidation period ay naging pormal sa pamamagitan ng paglagda ng LTFRB memorandum, kasunod ng pagdinig sa pagitan ng DOTr at Senate President Francis Escudero at Senator Raffy Tulfo.

Tiniyak naman ni Ortega sa mga nagnanais na sumali sa PTMP na hindi pa nila kinakailangang palitan ng mga modernong unit ang kanilang mga PUV dahil dalawa hanggang tatlong taon na lang ang modernisasyon.

Sa oras na kailanganin ang mga makabagong PUV, aniya ay magbibigay ang gobyerno ng equity subsidy na P280,000 kada modernong PUV na binili ng mga kooperatiba.

Para sa mga tutol sa pagsali sa transport cooperatives, nakarating na aniya sa Korte Suprema ang petisyon laban sa PTMP. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here