Home ENTERTAINMENT Museo ni Boss Toyo, kumpirmado, itatayo na sa October!

Museo ni Boss Toyo, kumpirmado, itatayo na sa October!

Manila, Philippines – Umaasa si Boss Toyo na by October ay maaari na niyang buksan sa publiko ang ipinatatayo niyang museum.

Sa mga ‘di pa ganap na nakakakilala sa ating subject, si Boss Toyo ang takbuhan ng ilang tao na may pangangailangan sa pera.

Kung magkakasundo kasi sa presyong alok niya’y nakahanda niyang bilhin ang anumang bagay na pag-aari ng mga sikat na personalidad lalo pa’t may sentimental value ito.

llan sa mga items na inilapit sa kanya ay ang Best Actor trophy ni Jiro Manio mula sa Urian para sa pelikulang Magnifico. Best Child Actor trophy ni NiƱo Muhlach.

Nabili rin niya ang jersey na isinuot ng nasirang si Francis Magalona.

Sa kanya rin inilapit ang kuwintas na isnuot ni Marian Rivera sa Dyesebel na umere sa GMA.

Maging ang kabaong na hinigan ni

Dingdong Dantes sa pelikulang kasama ang asawa na Rewind ay sa kanya rin inialok.

Kung matatandaan din, kay Boss Toyo rin inilapit ni Juliana Pariscova ang mga koronang ipinutong sa kanya bilang kauna-unahang winner ng Ms. Q & A na contest sa It’s Showtime.

Hindi nga lang sila nagkasundo sa presyong gusto ni Juliana.

Having collected several items, naisipan ni Boss Toyo na ilagak ang lahat ng ‘yon sa museong bubuksan niya sa darating na October.

Iniaalay raw niya ‘yon sa ating mga kababayan.

Sa kanyang guesting sa isang online show ay inamin ni Boss Toyo na may pinagsisisihan din siya sa kanyang mga binili.

Isa na raw dito ang upuan na ginamit ni Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Binili raw niya ito sa halagang P250k.

Nang mahimasmasan, doon lang daw niya napagtanto that he should not have bought the said piece of furniture.

Aminado si Boss Toyo na kadalasan daw ay padalus-dalos siya. Ronnie Carrasco III