Manila, Philippines – Sa estado ng kanyang buhay ngayon, masaya si Mylene Dizon na malaya pa rin niyang nagagawa ang gusto niyang gawin nang walang nagbabawal sa kanya.
Ito ay kahit may live in partner na siya sa katauhan ni Jason Webb.
Ani Mylene, fulfilled na raw siya at hindi na nangangarap na makasal pa tulad ng ibang kababaihan.
Siya raw kasi iyong tipong “not marrying kind” dahil di niya bet na nalilimitahan ang kanyang mga galaw.
Di raw niya bet magpatali dahil ayaw niyang nasasakal.
Ayon pa sa panayam sa kanya ni Karen Davila sa vlog ng broadcaster, simple lang daw ang gusto niyang buhay.
Solb na raw siya na gumigising siya araw araw na nalalanghap ang simoy ng dagat at nasisilayan ang araw mula sa kanyang pinauupahang Airbnb home sa La Union.
Sey pa niya, favorite role din daw niya ang pagiging nanay dahil nakaka-relate siya rito mula sa kanyang mga karanasan bilang real life mom.
Pagdating din daw sa pagpapalaki sa kanyang mga anak na puro lalake, maituturing na mahigpit daw siya at disciplinarian.
Hirit pa niya, hindi rin daw niya ipamamana ang kanyang mga ari-arian, gaya ng beach house sa La Union, sa kanyang mga anak dahil mas bet niyang matutong magsariling sikap ang mga ito.
Edukasyon lang daw ang tanging kayang ibigay ni Mylene bilang pamana sa mga anak.
Dagdag pa niya, nais daw niyang matutunan ng kanyang mga anak ang responsibilidad at pagiging maayos na lalaki sa pamamagitan ng sariling pagpupunyagi. Archie Liao