Manila, Philippines- ‘Di na pagkain ng karne…check!
Pero pagsusugal…check!
Ito ang inirereklamo ng mga netizens sa ginawang pagpayag ni Nadine Lustre para mag-endorse ng isang online casino gaming.
Ikinadismaya nga ng mga ito ang ipinost na larawan ng Viva artist.
The photo shows Nadine holding a mobile phone.
Sa screen nito’y makikita ang online game.
Dito na pumalag ang mga netizens.
Okey na nga raw na ang image ni Nadine is that of a vegan, pero sumablay naman when it comes to endorsing an online casino.
Tanong tuloy ng mga netizens– wala na raw bang pambayad ng renta sa bahay ang aktres at pinatulan na ito?
On the career side, matagal-tagal na rin daw walang teleserye ang aktres na regular na pinagkukunan ng kanyang ikabubuhay.
To top it all, nasa sa tao naman ‘yon kung gusto nitong magpakagumon sa sugal, kung paanong nasa consumer kung tatangkilikin nito ang alak o sigarilyo as in the case of celebrities who endorse liquor or cigarette brands.
Kung tutuusin, nito pang September ang endorsement nito, medyo delayed lang ang reaksyon ng mga netizens.
In fairness, marami naman ang dumepensa sa kanya. Ronnie Carrasco III