MANILA, Philippines – Pumirma ang lokal na pamahalaan ng Naga City ng kasunduan sa Department of Economy, Planning, and Development (DEPDev) para ipatupad ang proyekto na gumagamit ng artificial intelligence sa pagpaplano ng transport at land-use projects sa lungsod.
Ang proyekto ay popondohan ng National Innovation Council (NIC) kung san vice chair ang DEPDev dito, ang AI City Planner ng Naga ay tutulong sa mga opisyal para sa napapanahon, data-driven at epektibong transportation at mobility solutions para sa accurate transport at mobility data analytics mula sa platform at aplikasyon.
Magbibigay-daan din ang app sa mga motorista at pedestrian na agad iulat ang mga road crash, at illegal parking sa mga opisyal.
Dahil dito, mapabubuti ang pag-update ng local public transport route plans at comprehensive land use plans.
Binigyan ang Naga ng P6.79 milyong pondo para sa proyektong ito.
Ayon kay DEPDev Undersecretary Rosemarie Edillon, sa pagsuporta ng proyekto ay nais ipakita ng ahensya na ang AI ay makatutulong sa mga local government unit sa paghahatid ng mga serbisyo sa mga tao. RNT/JGC