Home NATIONWIDE Nagastos na P125M confidential funds sa 11 araw, may paliwanag – Poa

Nagastos na P125M confidential funds sa 11 araw, may paliwanag – Poa

1
0

MANILA, Philippines – Iginiit ng kampo ni Vice President Sara Duterte na may paliwanag ang paggamit ng Office of the Vice President ng P125 milyong confidential funds sa loob ng 11 araw noong Disyembre 2022 at dapat itong himayin sa pamamagitan ng cross-examination.

“Sa atin ‘yung 11 days kasi may mga explanation ‘yan. May maari tayong gawin na cross diyan so hindi pa muna tayo pumayag sa stipulation,” ani lawyer Michael Poa, defense counsel ni Duterte, sa isang press briefing nitong Lunes.

Ginawa ni Poa ang pahayag matapos imungkahi ni private prosecutor Lorna Kapunan na pagtibayin bilang stipulation na ginastos ng OVP ang P125 milyong confidential funds sa loob ng 11 araw.

Bagama’t hindi pumayag ang depensa sa naturang stipulation, sinabi ni Poa na tinanggap nila ang mga stipulation kaugnay ng mga dokumentong isinumite sa Commission on Audit at iba pang rekord.

Sa impeachment trial, iniharap ng prosekusyon bilang testigo si Roderick Wamil, dating state auditor ng Commission on Audit’s Intelligence and Confidential Funds Office.

Ayon kay Poa, walang bago sa testimonya ni Wamil dahil inuulit lamang nito ang mga naunang findings ng COA.

“Wala naman po dahil sa aming pananaw, ‘yan naman na ang lumabas sa COA findings. Pina-identify lang naman sa COA kung ano ‘yung kanilang naging findings so kumbaga, nothing we haven’t read before,” aniya. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here