Home OPINION NAGKUKUMAWALANG GALIT NG PAO CHIEF

NAGKUKUMAWALANG GALIT NG PAO CHIEF

NAGLABAS ng kanyang saloobin itong si Public Attorneys’Office Chief Persida Rueda-Acosta nang baguhin at ipangalandakan ng dalawang estudyanteng ang pakilala ay mga environmentalist na kontra sa reclamation ‘yun pala’y mga New People’s Army member na.

Ang panggagaliiti nitong napaka-‘demure’ na abogadang si Acosta sa  pambabastos na ginawa nina Jonila Castro at Jhed Tamano ay ‘di na napigilan pa ng PAO Chief dahil may sinumpaang salaysay ang dalawa na kanilang ‘sulat kamay’ pa mismo  bago nanumpa kay PAO lawyer Atty. Joper Bagay ng Bulacan.

Dismaydo si Acosta sa ipinakita nina Castro at Tamano nang ipresenta na sila sa isang press conference kung saan bigla silang bumaligtad sa sinumpaang-salaysay at ipinagsigawang dinukot sila ng militar.

Pambabastos sa serbisyong “libreng” abogado ang ginawa ng dalawa para kay Acosta, at maging siya raw ay talagang nabastusan sa ginawang kasinungalingan ng dalawang batang mag-aaral na talaga namang nalinlang ng mga komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF.

Kung gugustuhin nga ni PAO Chief ay maaari pang makasuhan ng ‘perjury’ sina Castro at Tamano ngunit ipinaubaya na niya ang desisyon sa mga opisyal ng pamahalaan na  ‘involved’ sa pag-suko ng dalawa.

Pero para kay Acosta, ang nagawa nina Castro at Tamano ay ‘di  dapat pamarisan pa, dahil siya raw mismo ang magsasampa ng kasong perjury sa sinomang humingi ng tulong sa PAO upang ipagtanggol sila na kalaunan ay babaligtarin ang kanilang sinumpaang salaysay.

Sino ba naman ang matutuwa sa ganyang pag-aasal? Niloloko ang sistema ng hustisya, niloloko ang pamahalaan, niloloko ang mga mahal sa buhay partikular na ang kanilang mga magulang, at lalong-lalo na, niloloko ang kanilang mga sarili, sa pagyakap sa idelohiyang salungat sa katotohanan at nararapat.

Pwe! Wala talagang magandang maituturong mabuti sa ating mga kabataan ang mga CPP-NPA-NDF kundi ang lumabag sa pamahalaan at batas.

Dapat talaga ay kinakalos na ang mga ito. Punong-puno ang salop ng kanilang mga kasinungalingan sa tao at Inang Bayan.