Manila, Philippines – Pahiya nang bonggang-bongga ang nagbigay ng taning sa buhay ni Ate Gay.
Contrary nga sa sinabi ng unang sumuri sa kanya na ‘di na siya aabot ng 2026, nagdiwang pa ng kanyang birthday ang standup comedian kamakailan.
Matatandaang tinaningan si Ate Gay–Gil Aducal Morales sa tunay na buhay–dahil sa kanyang Stage 4 cancer.
“Ang sabi sa akin noong una, ‘di na ako aabot ng 2026…aba, aba, aba at eto ako, umabot sa birthday ko!
“Salamat sa inyong lahat lalo na sa mga anghel ko at kay Lord Jesus,” ani Ate Gay.
September 2025 nang isapubliko ni Ate Gay ang kanyang medical condition.
Stage 4 mucoepidermoid carcinoma ang dumapo sa kanya–isang rare at agresibong uri ng cancer na karaniwang nagmumula sa salivary glands o respiratory tract.
Ate Gay underwent chemotherapy, radiation and immunotherapy.
Nitong November, tapos na daw siya ng kanyang chemo pero patuloy pa ang dalawang procedure.
Nitong June when Ate Gay shared the good news na wala nang nakitang bukol sa kanyang leeg at ilong base sa MRI result.
Sumailalim din siya sa cyberknife treatment habang patuloy pa rin ang immunotherapy. Ronnie Carrasco III