Home NATIONWIDE Nakamamatay na ulan sa Pinas isinisisi sa palpak na warning system, deforestation

Nakamamatay na ulan sa Pinas isinisisi sa palpak na warning system, deforestation

MANILA, Philippines- Iniulat ng mga siyentipiko nitong Biyernes na ang palpak na warning systems, kahirapan at deforestation ng mga bundok sa southern Philippines ang dahilan ng kamakailang malakas na pag-ulang nauwi sa trahedya.

Mahigit 100 indibidwal ang nasawi sa landslides at pagbaha noong Enero at Pebrero sa Mindanao sa pagpapaulan ng northeast monsoon at ng low pressure trough.

Batay sa pag-aaral ng World Weather Attribution group, ang hindi pangkaraniwang malakas na ulan sa eastern Mindanao ay hindi “particularly extreme”.

Subalit, dahil ang mga residente ay nakatira sa landslide-prone areas at dahil na rin sa kakulangan ng weather alerts, naging “devastating” ang mga pag-ulan.

“We can’t just blame the rain for the severe impacts,” pahayag ni Richard Ybanez, chief science research specialist sa Resilience Institute ng University of the Philippines.

“A range of human factors is what turned these downpours into deadly disasters.”

Sa nasabing insidente, mahigit 90 indibidwal ang nasawi nang gumuho ang bahagi ng bundok kung saan natabunan ang isang gold mining village noong February 6.

Bagama’t posibleng isa ang climate change sa dahilan ng malakas na pag-ulan, sinabi sa ulat na hindi masukat ng scientists ang epekto nito dahil sa kakulangan ng available na datos.

“However, we did detect a strong trend in the historical data — compared to the pre-industrial climate, the heaviest five-day periods of rainfall now drop around 50 percent more rainfall on Mindanao island in the December to February period,” wika ni Mariam Zachariah ng Grantham Institute at Imperial College London.

Napag-alaman ng mga eksperto na ang higher-than-average rate ng kahirapan sa bulubunduking rehiyon ay dahilan upang labis na maapektuhan ang mga residente ng malakas na pag-ulan, habang pinataas ng “intensified deforestation” ang panganib na dulot ng landslides.

“Across the region of study, construction in areas declared ‘no-build zones’ raises these dangers considerably,” saad sa report.

Ayon pa sa ulat, ang mga polisiya, batas, at pagpondo sa  disaster risk management “have largely stalled over the past decades” at nakatutok sa post-disaster response.

Binanggit din sa ulat ang palpak na weather forecasts and warnings, “which have limited granularity on local risk and lack instructions on where and when to evacuate.”

“Evacuations from high-risk locations were carried out when the island was hit by the rainfall in late January. However, many people were still in harm’s way,” ani Ybanez.

“It is critical that both early warning systems and assessment of landslide-prone areas are improved to avoid similar disasters in the future,” patuloy niya.

Nagbabala rin sa report na “more extreme” sana ang mga pag-ulan kung hindi lamang nagdudulot ng pagkatuyot ang El Nino weather phenomenon sa bansa. RNT/SA

Previous articleJob fair ng SM City North Edsa dinagsa
Next articleLead Safe Paint certification iginawad sa Triton