Home METRO Nakawan nauwi sa barilan sa Marilao, Bulacan

Nakawan nauwi sa barilan sa Marilao, Bulacan

846
0

Camp Olivas, Pampanga — Isang pagnanakaw sa Marilao, Bulacan noong Nobyembre 10, 2025, ang nauwi sa engkwentro na ikinamatay ng suspek na kinilala kalaunan bilang pulis din.

Iniimbestigahan naman naang posibleng koneksyon nito sa mas malaking sindikato sa Central Luzon.

Nakatanggap ng tawag ang pulisya bandang 8:30 PM tungkol sa pagnanakaw sa isang convenience store sa Barangay Sta. Rosa I.

Natagpuan ng mga pulis ang suspek, na nagnakaw ng halos ₱20,000, na tumakas sakay ng motorsiklo. Nang subukan siyang pahintuin ay pinagbabaril niya ang mga pulis, na gumanti rin ng putok na nagresulta sa pagkasawi ng suspek.

Binigyang-diin ni PRO3 Regional Director PBGEN Rogelio Peñones Jr. ang kahalagahan ng integridad, pananagutan, at propesyonalismo sa kapulisan.

“This unfortunate incident serves as a reminder that no one is above the law… Patuloy naming palalakasin ang aming hanay at titiyakin na ang bawat aksyon ay magpapanatili ng tiwala ng publiko,” ani Peñones Jr. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here