Home METRO Nambastos na e-taxi driver, panghabambuhay banned sa pagmamaneho

Nambastos na e-taxi driver, panghabambuhay banned sa pagmamaneho

1
0

PARAÑAQUE, Philippines – Habambuhay nang binawi ng Land Transportation Office (LTO) ang driver’s license ng isang e-taxi driver na sangkot sa alegasyong sexual assault sa isang pasahero noong Sept. 12.

Ayon sa LTO, permanenteng disqualified ang driver na kumuha ng anumang uri ng driver’s license matapos mapatunayang lumabag sa mga umiiral na regulasyon.

Batay sa reklamo ng biktima, nakatulog siya habang bumibiyahe at hindi siya ibinaba sa itinakdang destinasyon. Sa halip, dinala umano siya sa ibang lugar kung saan naganap ang pang-aabuso.

Sa pagdinig ng LTO Intelligence and Investigation Division, kinumpirma ng driver na nagmamaneho siya ng taxi bandang alas-3 ng madaling-araw nang araw ng insidente. Sa kanyang sinumpaang salaysay, inamin din niyang naganap ang sexual activity sa loob ng sasakyan.

Dahil dito, idineklarang “improper person to operate a motor vehicle” ang driver at tuluyang binawi ang kanyang lisensya.

Pinatawan din ng pananagutan ang operator dahil sa paglabag sa franchise at pagkuha ng driver na itinuturing na discourteous. Nananatiling naka-alarm ang taxi na sangkot sa kaso.

Ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Markus Lacanilao, hindi kukunsintihin ng ahensya ang anumang uri ng pang-aabuso sa kalsada, lalo na sa mga public utility vehicle na may pananagutang tiyakin ang kaligtasan ng mga pasahero.

Sinimulan ng LTO ang imbestigasyon matapos lumabas ang reklamo ng biktima sa isang radio program. Natukoy ang driver sa pamamagitan ng CCTV footage at booking details.

Hinimok ng LTO ang publiko na ireport ang anumang iregularidad upang agad itong maaksyunan. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here