Home HOME BANNER STORY Namumuong bagyo namataan – PAGASA

Namumuong bagyo namataan – PAGASA

MANILA, Philippines — Sa kabila ng nararanasang sobrang init na panahon, binabantayan ngayon ang isang low pressure area (LPA) na nakita sa labas ng Philippine area of ​​responsibility sa timog-silangan ng South Cotabato, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ayon kay weather forecaster Chenel Dominguez, huling namataan ang LPA sa layong 770 kilometro timog-silangan ng General Santos City province ng South Cotabato.

Ang buntot ng LPA ay inaasahang makakaapekto sa ilang bahagi ng Mindanao sa Biyernes, partikular sa Davao Region kung saan inaasahan ang maulap na kalangitan at pag-ulan. Santi Celario