Home METRO Nanay na bibili ng damit ng anak pang-Christmas party, patay sa bundol...

Nanay na bibili ng damit ng anak pang-Christmas party, patay sa bundol ng dayuhan sa Cebu

CEBU, Philippines – Isang kalunos-lunos na aksidente sa Lapu-Lapu City ang ikinamatay ng isang babae at ikinasugat ng apat na iba pa matapos mabangga ng isang Canadian driver ang isang pamilyang naglalakad sa ML Quezon Highway sa Barangay Mactan noong Disyembre 16, 2024.

Ang biktimang si Emelia Gulane, ay bibili ng mga damit para sa Christmas party ng kanyang mga anak sa paaralan nang mabangga siya ng kotse. Ang kapatid ni Emelia na si Melomina Mellanes, at ang kanyang pamangkin na si Mary Jane Mellanes Majaba, ay nagtamo ng malubhang pinsala. Dalawang bata sa pamilya ang nagtamo naman ng minor injuries.

Ang driver, isang 35-anyos na Canadian national, ay napaulat na nakatulog habang nagmamaneho. Kinasuhan siya ng reckless imprudence resulting in homicide ngunit nagpiyansa at umalis sa himpilan ng pulisya.

Umaasa ang pamilya na mabayaran sila ng driver para sa kanilang mga pinsala at pagkalugi. RNT