Home METRO Naningil ng pautang tinarakan, patay!

Naningil ng pautang tinarakan, patay!

91
0

MANILA, Philippines- Patay ang isang lalaki nang pagsasaksakin ng isa pang lalaki na kanyang sinisingil sa utang sa Tondo, Maynila.

Sa imbestigasyon, hinabol ng kutsilyo ng suspek ang biktima sa kahabaan ng Kagitingan Street sa Tondo.

Nang madapa ang biktima, inabutan siya ng suspek at ilang beses na pinagsasaksak.

Hindi na naabutan ng mga opisyal ng Barangay 38 ang suspek na mabilis tumakas dala ang kutsilyo na ginamit sa pananaksak.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, maniningil lang ng pautang ang biktima ngunit nagkainitan sila ng suspek matapos umanong sabihan ito na papaluin sa ulo kapag hindi nagbayad.

“Meron pong nagsabi na, ‘Pag hindi mo nabayaran yan paluin kita sa ulo.’ Ayun lang ang sabi kaya siguro nagalit po tong isa,” ayon sa taga-barangay.

Base pa sa ulat, may nakuha ring kutsilyo sa tabi ng biktima ngunit ito umano ay kanyang pagmamay-ari.

Naisugod pa sa pagamutan ang biktima ngunit hindi na kinaya ng kanyang katawan dahil sa dami ng dugo na nawala sa kanya.

Patuloy ang follow-up operation ng pulisya upang maaresto ang suspek. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here