MANILA, Philippines – Nagbabala si National Police Commission (Napolcom) Commissioner Rafael Vicente Calinisan sa mga criminology intern sa mga paglabag sa traffic rules, kabilang ang pagasakay sa mga motorsiklo nang walang helmet, na maaari umanog makaapekto sa kanilang pagiging pulis.
Hinimok ni Calinisan ang publiko na piktyuran ang criminology students na maaaktuhang lumalabag sa batas-trapiko, at sinabing tutukuyin ng mga awtoridad ang kanilang pagkakakilanlan at tatanggihan na iproseso ang kanilang aplikasyon sa pagkapulis o tanggapin sila sa pagsusulit ng NAPOLCOM.
“Yang mga ‘Criminology Interns’ na mga walang helmet at nagba-violate ng traffic rules, take their photos. We will get their names, identify them, and we will NOT process their application as policemen or entertain them in the NAPOLCOM Exams,” aniya.
Ang babala ni Calinisan ay kasunod ng paulit-ulit na mga reklamo online sa mga paglabag sa batas trapiko ng mga criminology student.
Nanawagan din ang Napolcom commissioner sa reporma sa training ng mga nagnanais maging pulis at hinimok ang mga paaralan na tumulong sa pagtukoy at pag-alis ng mga estudyanteng nagpapakita ng sense of entitlement at pagpapabaya sa batas.
“Nananawagan ako sa mga Criminology Schools: help us by weeding out these entitled individuals as early as possible. Di dapat sila maging pulis.”
“Salain ang dapat salain. Ayusin ang curriculum. Wag diploma mill (Screen those who need to be screened. Improve the curriculum. Do not operate diploma mills). Nationbuilding is everyone’s responsibility,” dagdag pa. RNT/JGC