Home NATIONWIDE NAPOLCOM nagbabala sa pekeng social media pages

NAPOLCOM nagbabala sa pekeng social media pages

290
0

MANILA, Philippines – Nagbabala ang National Police Commission (NAPOLCOM) sa publiko laban sa mga pekeng Facebook pages at social media accounts na nagpapanggap bilang opisyal na pahina ng ahensya at sangkot sa ilegal at hindi awtorisadong transaksyon.

Sa isang pahayag nitong Lunes, Disyembre 22, iginiit ni NAPOLCOM Vice Chairperson at Executive Officer Rafael Vicente Calinisan na iisa lamang ang opisyal na Facebook page ng ahensya, at hinikayat ang publiko na agad i-report ang mga kahina-hinalang account.

“We will not tolerate misrepresentation that deceives the public and damages the credibility of government institutions,” ani Calinisan, sabay sabing ang mga pekeng pahina ay “undermine public trust and expose citizens to online scams.”

Inatasan na rin ang lahat ng NAPOLCOM personnel sa buong bansa na sabay-sabay i-report ang mga natutukoy na pekeng Facebook pages.

Hinimok din ang publiko na iulat ang mga kahina-hinalang account sa pamamagitan ng opisyal na mga channel ng NAPOLCOM, kabilang ang tanging opisyal nitong Facebook page na @NationalPoliceCommission.

Ayon pa sa ahensya, maglalabas ito ng bahagyang listahan ng mga natukoy na pekeng Facebook page names sa opisyal nitong pahina para sa kaalaman ng publiko at mas mabilis na pag-uulat.

Binigyang-diin ng NAPOLCOM na ang opisyal nitong Facebook page ay hindi humihingi ng bayad, personal na impormasyon, o anumang dokumento sa pamamagitan ng hindi beripikado o di-opisyal na social media accounts.

Dagdag pa nito, nagtatag na ang ahensya ng isang centralized reporting mechanism upang maitala, ma-validate, at agad maipababa ang mga impersonating at mapanlinlang na pahina.

Tiniyak naman ng NAPOLCOM na patuloy nitong paiigtingin ang digital safeguards upang mapanatili ang transparency, integridad, at pananagutan ng ahensya. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here