Home METRO Napulot na P440K ibinalik ng airport porter

Napulot na P440K ibinalik ng airport porter

MANILA, Philuippines- Muling hinangaan ang isa pang airport worker matapos magsauli ng naiwang pouch na may lamang P400,000 sa isang American passport holder.

Base sa Manila International Airport Authority, nadiskubre umano ng porter na si Irwin Diana ang itim na pouch na naglalaman ng $100 bills na aabot sa halagang P400,000. 

Agad naman itong dinala ni Diana sa Lost and Found center ng NAIA Terminal 3. 

Nauna nang naiulat na ibinalik ng porter na kinilalang si Victor Perez ang 100 piraso ng USD100 na napulot niya.

Nakatakdang kilalanin ang katapatan ng dalawa sa flag-raising ceremony ng MIAA sa buwan ng Mayo. RNT/SA