Home NATIONWIDE Nasa lookout list, binalaan ng DOJ na huwag umalis ng bansa

Nasa lookout list, binalaan ng DOJ na huwag umalis ng bansa

323
0

MANILA, Philippines – Binalaan ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang mga indibiduwal na nasa listahan ng Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) na huwag umalis ng bansa habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects.

Ito ay upang hindi pagsuspetsahan na gusto nilang tumakas.

Ayon pa kay Remula, may mga katanungan na kailangan nilang sagutin kapag nagpumilit na lumabas ng bansa ang mga sangkot.

“It will not be a pleasant experience kasi government concern yan. We have to do this as a matter of defense of the state. Kailangan natin protektahan ang ating estado,” ayon pa kay Remulla.

Bagamat hindi nagbabawal ang ILBO sa isang tao na bumiyahe, siya ay inilalagay sa ilalim ng mahigpit na pagbabantay ng mga immigration officers. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here