Home HOME BANNER STORY Nasabat na ilegal na droga sa ilalim ng Marcos admin halos P50B...

Nasabat na ilegal na droga sa ilalim ng Marcos admin halos P50B – PDEA

MANILA , Philippines- Nakumpiska sa anti-drug campaign ng administrasyong Marcos ang kabuuang P49.82 bilyong halaga ng droga, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nitong Linggo.

Mula Hulyo 2022 hanggang Setyembre 30 ng taong ito, nasabat ng mga awtoridad ang 6,481.16 kilo ng shabu, 75.69 kilo ng cocaine, 115,081 piraso ng ecstasy tablets at 5,626.80 kilo ng marijuana, batay sa ulat ng PDEA.

Makikita rin sa tala na 14,892 drug suspects ang naaresto, kabilang ang 7,364 high-value targets sa84,676 operasyong isinagawa sa buong bansa.

May kabuuang 1,181 drug dens at clandestine shabu laboratory naman ang nabuwag sa parehong panahon.

Samantala, 29,211 sa 42,000 barangay sa bansa ang idineklarang “drug-cleared” sa parehong panahon habang 6,292 ang nasa proseso ng paglilinis.

Sa ikatlong State of the Nation Address noong Hulyo, nangako si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ipagpapatuloy ang “bloodless” anti-narcotics drive. RNT/SA