Home NATIONWIDE Nasawi sa lindol sa Sarangani, pumalo na sa 92- NDRRMC

Nasawi sa lindol sa Sarangani, pumalo na sa 92- NDRRMC

1
0

MANILA, Philippines – UMABOT na sa 92 ang bilang ng mga napaulat na nasawi sa magnitude 7.8 na lindol na tumama sa Mindanao province noong Hunyo 8, 2026.

Sinabi ng Nationa Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), sa pinakabagong update ay may apat pang karagdagan ang nasawi kumpara sa 88 na naiulat noong Hulyo 1.

Sa 92 na naiulat na nasawi, siyam ang kumpirmadong nasawi dahil sa lindol , lahat ay mula sa Region 11 (Davao).

Patuloy naman ang ginagawang balidasyon o beripikasyon sa 83 katao na napaulat na nasawi, 12 sa Region 11 at 71 sa Region 12 (Soccskssargen).

Sa kabilang dako, ang bilang ng nasugatan ay nananatili naman sa 1,316 habang ang nawawala naman ay 20 katao.

Ang kabuuang bilang ng mga apektadong pamilya ay 391,231 o 1,678,932 indibiduwal na nakatira sa 625 barangay sa Region 9 (Zamboanga Peninsula), 11 at 12, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ang mga napinsalang kabahayan ay tinatayang umabot sa 11,370, kung saan 94,988 ang classified bilang partially damaged at 18, 382 naman ang totally damaged. Ang mga ito ay iniulat mula sa Region 9, 11, 12 at BARMM.

Ang pinsala naman sa imprastraktura ay umabot sa P1.47 bilyon at P9.59 milyon naman para sa agrikultura. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here