Home NATIONWIDE Nasiraang fishing bangka sa Zambales sinaklolohan ng PCG

Nasiraang fishing bangka sa Zambales sinaklolohan ng PCG

94
0

MANILA, Philippines – Agad na tumugon at tumulong ang barko ng Philippine Coast Guard (PCG) na BRP Cape San Agustin (MRRV-4408) sa Fishing Banca (FBCA) Willyn matapos ang insidente ng pagkasira ng makina sa karagatan ng Zambales.

Matapos mai-radyo ang insidente, agad na nagtungo ang BRP Cape San Agustin sa lokasyon ng sasakyang-pandagat at kalaunan ay nakita ang FBCA Willyn sa layong humigit-kumulang apat na nautical miles.

Sa pagdating sa lugar, agad na nag-deploy ang MRRV-4408 ng Rigid Hull Inflatable Boat (RHIB) nito upang masuri ang sitwasyon, ayusin ang makina ng bangka, at magbigay ng medical evaluation at tulong sa mga tripulante.

Matapos ang pagtataya, matagumpay na na-secure ng MRRV-4408 ang towing line sa FBCA Willyn.

Dumating ang bangka sa Subic, Zambales noong Mayo 21, 2026.

Ang matagumpay na operasyong ito ay nagpapatunay ng dedikasyon ng PCG sa ilalim ng Intensive Community Assistance, Awareness, Response, and Enforcement (iCARE) Program, alinsunod sa direktiva ni Pangulong Ferdinand R Marcos Jr., na pangalagaan ang buhay sa dagat sa pamamagitan ng napapanahong maritime response, humanitarian assistance, at responsive public service. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here