Home METRO Nasirang Tullahan River dike, sakop ng DPWH – QC gov’t

Nasirang Tullahan River dike, sakop ng DPWH – QC gov’t

314
0

QUEZON CITY — Nilinaw ng lokal na pamahalaan na ang nasirang bahagi ng Tullahan River dike sa Barangay North Fairview ay proyekto ng DPWH at hindi ng QC government.

“Under po ’yan ng DPWH, hindi po sa Quezon City government,” ayon kay QCDRRMO spokesperson Peachy de Leon.

Sinuri na umano ng QCDRRMO at ng City Engineering Department ang dike, ngunit ang national government ang may responsibilidad sa pagkukumpuni nito.

Bilang pag-iingat, pinayuhan ang mga estudyante sa kalapit na paaralan na huwag lumapit sa dike at ang mga tricycle driver na dumaan na lamang sa alternatibong ruta.

Samantala, nananatiling tahimik ang DPWH-NCR hinggil sa insidente.

Matatandaang kamakailan ay iniulat ni Mayor Joy Belmonte na 254 flood control projects ng DPWH sa lungsod na nagkakahalaga ng ₱14 bilyon ang may kwestiyonableng detalye, kung saan dalawa lamang ang dumaan sa approval ng QC government. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here