Home NATIONWIDE National Flood Management, full accounting ng pondo vs baha, hirit ni Pangilinan

National Flood Management, full accounting ng pondo vs baha, hirit ni Pangilinan

2
0

MANILA, Philippines – Nanawagan si Senador Francis “Kiko” Pangilinan sa pamahalaan na lumikha ng  kumprehensibong national flood management plan at ilantad ang kabuuan ng pondo na inilaan sa flood-control projects sa gitna nang malawakang pagbaha sanhi ng bagyo at hampas ng habagat sa bansa.

Sa pahayag, sinabi ni Pangilinan, chairman ng Senate committee on agriculture, food and agrarian reform na tumindi ang buhos ng ulan dulot ng Habagat na lumikha ng pagbaha sa maraming lugar sa Metro Manila at kalapit na lalawigan.

Dahil dito, aniya, napilitan ang maraming residente na lumikas, nahinto ang klase at trabaho kabilang ang transportasyon at ilan pang aktibidad sa nakaraang linggo.

“Hindi dapat normal ang baha. Hindi dapat natatakot at nangangamba ang ating mga kababayan tuwing umuulan. Pare-parehas ang nakikita nating eksena tuwing umuulan—binabahang mga kalsada, baha na pumapasok sa mga bahay at mga eskwelahan, mga pamilyang kailangang lumikas,” aniya.

“Bukod pa rito, napakalaking disruption ang baha sa buhay ng lahat. Hindi nakakapasok sa klase ang mga bata, hindi makapagbukas ang ilang negosyo, at hindi rin makapasok sa trabaho ang mga tao,” dagdag ng senador.

Lubhang ikinalungkot ni Pangilinan kung paano masanlata ang maraming Filipinno na nakadepende sa tulong pangkagipitan mula sa pamahalaan sa panahon ng kalamidad, sa halip na maling proactive ang gobyerno laban sa pagbaha, at management plans.

“Kailangan natin ng pangmatagalan at pambansang flood management plan. Dapat magkakaugnay ang ating mga proyekto at plano. Kahit gumastos tayo ng bilyon-bilyon, pero kung walang pagkakaugnay-ugnay ang ating flood control management plan, eh lulubog at lulubog pa rin ang ating mga kalsada at mga bahayan,” ipinumto ng senador.

Habang ikinalulungkot ang kontrobersiyal na nakapaligid ss flood control projects sa bansa, nanawagan din ang senador na magkaroon ng kumpletong pagtutuo sa lahat ng pondo sa flood coontro – tulad ng pinondohang proyeklto, lokasyon, contractors, implementation status, atctual results sa lugar.

“Karapatan ng bawat Pilipino na malaman kung saan napunta ang bawat pisong inilaan para sa flood control. Dapat malinaw kung saan ito napunta at kung ano ang naging resulta. Hindi pwedeng may proyekto sa papel pero kapag umulan, binabaha pa rin ang mga tao,” ani Pangilinan.

Aniya, kailangan preventive, science-based, transparent, at nakadesensyo sa pangmatagalang solusyon ang national flood management plan.

“This must address not only present challenges, but future problems brought about by climate change and other environmental concerns.”  Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here