Home NATIONWIDE National Housing Expo pangungunahan ni PBBM

National Housing Expo pangungunahan ni PBBM

231
0

MANILA, Philippines – NAKATAKDANG dumalo ngayong umaga, araw ng Huwebes, Oktubre 23 si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr sa National Housing Expo na gaganapin sa World Trade Center.

Ang housing expo ay bahagi ng programa ng Department of Human Settlements and Urban Development sa ilalim ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino o 4PH.

Kabilang sa gagawing aktibidad ay ang pagbibigay ng on-site housing loan assistance at financing support at tulong mula sa Pag‑IBIG Fund.

Sinasabing, dito ay malalaman ng mga nais magkaruon ng sariling tahanan kung magkano ang kayang hiramin at alin sa mga available units ang swak sa budget ng isang interesadong potential house buyer.

Makakasama ng Pangulo sina Secretary Jose Ramon Aliling ng DHSUD, Presidential Communications Office Acting Secretary Dave Gomez, NHA General Manager Joeben Tai at Marilene Acosta – Chief Executive Officer ng Pag-IBIG. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here