Home NATIONWIDE National ID system sasailalim sa P2.48-B malawakang pagsasaayos

National ID system sasailalim sa P2.48-B malawakang pagsasaayos

1
0

MANILA, Philippines – Inaprubahan ng Investment Coordination Committee-Cabinet Committee (ICC-CC) ang P2.48-bilyong Philippine Digital National Identity (PDNI) Project na layong i-upgrade ang digital infrastructure at serbisyo ng National ID system.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), inaprubahan ang proyekto noong Setyembre 9 at umusad na ito sa comparative challenge process, kung saan maaaring magsumite ang ibang kwalipikadong bidder ng proposal na tatapat o hihigit sa alok ng original proponent.

Saklaw ng proyekto ang financing, upgrade, systems transformation, operation at maintenance ng National ID system, kabilang ang registration, authentication, card production at iba pang kaugnay na serbisyo.

Ipapatupad ito sa ilalim ng Build-Transfer-Operate (BTO) arrangement na may 20-taong concession period matapos ang anim na buwang transition phase.

Ang Unisys Public Sector Services Corporation ang original proponent ng unsolicited PPP project. Sa ilalim ng comparative challenge, may karapatan itong tapatan ang pinakamataas na kwalipikadong bid; kung hindi nito gagawin, mapupunta ang proyekto sa bidder na nagsumite ng naturang alok.

Ayon sa PSA, layunin ng modernization na gawing mas episyente at accessible ang National ID registration at identity verification, kabilang ang integration nito sa mga pribadong institusyon at iba pang digital services.

Magiging available sa mga prospective challenger ang bidding documents simula Oktubre 12, 2026 hanggang Enero 11, 2027, ayon sa opisyal na invitation ng PSA. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here