MAGKATUWANG sina Navotas Representative Toby Tiangco at Navotas City Mayor John Rey Tiangco kasama ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Department of Public Works and Highways (DPWH) officials upang magbigay ng updated status sa dredging at mga kinumpuning Tangos-Tanza navigational gate.
“Kasalukuyan na pong hinuhukay (dredging) ang tapat ng Tangos-Tanza navigational gate. Ito ay kinakailangan para maayos nang mabuti ang mga nasirang piyesa ng flood gate,” ani Congressman Tiangco
Ang navigational gate ay nasira noong Hunyo makaraang pwersahang dumaan ang isang fishing boat na nagdulot ng pagbaha sa ilang barangay sa Navotas.
Ayon sa mambabatas, taong 2022, nakiusap na ito sa DPWH na pondohan ang pagsasaayos ng navigational gate na maaaring magamit sakaling masira ang isa.
Iminungkahi din ang second navigational gate subalit hindi natuloy sa kawalan ng pondo.
“It is necessary to build a second navigational gate to ensure we have a functioning back up in case the other one is damaged or in need of repair,” dagdag pa ng kongresista.
“While we have sustained efforts in mitigating the effects of this damage, we want to ensure proper repairs are initiated at the soonest. Additionally, our 81 Bombastik Pumping Stations are operational to help manage the situation,” paliwanag ni Cong. Tiangco.
“May mga lugar talaga na nahihirapan tayong pigilan ang pagpasok ng high tide dahil ang navigational gate ay isang main component ng flood control. Patuloy naman po ang pag-operate ng mga bombastik para kahit papaano ay madaling maalis ang tubig sa ating mga daan,” base kay Congressman Tiangco. (R.A Marquez)