Home HOME BANNER STORY Nawawalang 15-anyos na dalagita, natagpuang patay sa pabrika ng feeds sa Pasig

Nawawalang 15-anyos na dalagita, natagpuang patay sa pabrika ng feeds sa Pasig

179
0

MANILA, Philippines — Natagpuang patay sa Pasig City ang isang 15-anyos na dalagita na napaulat na nawawala mula pa noong Marso 18, ayon sa pulisya.

Ayon sa pulisya, natagpuan ang bangkay ng biktima bandang 2:00 ng hapon sa loob ng isang pabrika ng feeds o pagkain ng hayop sa Barangay Santolan.

Natunton ng mga awtoridad ang kinaroroonan ng dalagita sa pamamagitan ng isinagawang backtracking gamit ang mga kuha ng closed-circuit television (CCTV) cameras.

Positibo nang kinilala ng pamilya ang bangkay ng dalagita, na isasailalim sa awtopsiya upang matukoy ang sanhi ng kaniyang pagkamatay.

May natagpuan ding nylon cord malapit sa bangkay ng biktima na susuriin bilang bahagi ng imbestigasyon.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya dahil hindi pa malinaw kung may ibang taong kasama ang dalagita bago ang insidente. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here