MANILA, Philippines – Handa ang National Bureau of Investigation (NBI) na magbigay ng kanilang forensic expertise sa kaso ng mga sabungero na nawawala mula 2021 hanggang 2022, sinabi ni NBI Director Jaime Santiago nitong Lunes, Hulyo 7.
Ayon kay Santiago, handa silang tumulong at magboluntaryo kung kailangan ng kanilang forensic expertise.
Sinabi kamakailan ng isang suspek sa kaso na si Julie “Dondon” Patidongan o alyas Totoy, na ang mga katawan ng 34 missing sabungeros ay inilibing sa Taal Lake.
Dahil dito, humiling ang gobyerno ng Pilipinas sa Japan para sa technical assistance.
Samantala, sinabi rin ng Department of Science and Technology na handa rin ang ahensya na magbigay ng kanilang expertise at equipment sa paghahanap sa mga sabungeros.
Pinangalanan ni alyas Totoy ang negosyanteng si Atong Ang bilang mastermind sa kaso. Isinangkot din ang aktres na si Gretchen Barretto sa mga nawawalang sabungeros.
Mariin namang itinanggi ng dalawa ang alegasyon laban sa kanila at sinabi ni Ang na si binantaan siya ni Patidongan na idadawit sa pagkawala ng mga sabungeros kung tumanggi itong magbigay ng P300 milyong habang si Barretto ay tumanggap din ng kapatehong banta. Jocelyn Tabangcura-Domenden