Home NATIONWIDE NBI nagsampa ng patung-patong na kaso kay Alice Guo, pamilya sa negosyo,...

NBI nagsampa ng patung-patong na kaso kay Alice Guo, pamilya sa negosyo, ari-arian sa Bulacan

341
0
Hindi na napiga ng mga Senador si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo nang humarap sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senado.Ginigisa ng mga senador si Sual, Pangasinan Mayor Liseldo Dong Calugay sa posibilidad na relasyon o ugnayan nila ni Guo. CESAR MORALES

MANILA, Philippines – Nagsampa ng dalawang magkahiwalay na kaso ang National Bureau of Investigation (NBI) laban kay dismissed Bamban Mayor Alice Guo at sa kanyang pamilya dahil sa pagtatayo ng mga negosyo at pagbili ng real property sa Marilao, Bulacan.

Sa isang pahayag, sinabi ng NBI na naghain ito ng 30 counts ng falsification of public documents na may kaugnayan sa bussiness’s artcicles of incorporation, secretary’s certificate at 2021 General Information Sheet.

Naghain din ang NBI ng 30 counts ng simulation ng Minimum Capital Stock sa ilalim ng Anti-Dummy Law, gayundin ang apat na counts ng falsification ng public documents dahil sa pamemeke ng mga aplikasyon para sa negosyo, occupancy at building permit.

Ayon sa NBI, ang mga kaso ay inihain laban kay Guo na kilala din bilang si Guo Hua Ping, Shiela Guo o Mier Zhang, Seimen Guo at Lin Wen Yi.

Samantala, kinasuhan din si Guo ng karagdagang 6 counts ng falsification of public documents na may kaugnayan sa deed of sale at documentary stamp.

Ayon sa NBI, lumabas sa imbestigasyon na si Guo at ang kanyang pamilya ay incorporator ng ilang kumpanya na may principal address sa Marilao. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here