MANILA, Philippines – Pinuri ang mga pulis ng Metro Manila sa mapayapang pagtiyak ng seguridad sa ika-apat na SONA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Hulyo 28.
Ayon kay National Capital Region Police Office chief Maj. Gen. Anthony Aberin, nanatiling maayos ang sitwasyon sa kabila ng masamang panahon, bunga ng koordinasyon sa mga grupo ng protesta.
Walang naitalang insidente, aresto, o gulo sa humigit-kumulang 4,000 raliyista sa Commonwealth Avenue, ayon kay QCPD OIC Col. Randy Glenn Silvio.
Dagdag pa nila, naging susi sa kaayusan ang inter-agency coordination at pagsunod ng mga lider ng protesta sa itinakdang mga patakaran. Santi Celario