Home METRO NCRPO todo-alerto sa transport strike; may pa-libreng sakay 

NCRPO todo-alerto sa transport strike; may pa-libreng sakay 

1
0
(c) PISTON

MANILA, Philippines — Naglatag na ng security at assistance measures ang National Capital Region Police Office (NCRPO) para sa tatlong araw na transport strike mula Setyembre 28 hanggang 30 sa Metro Manila.

Inatasan ni NCRPO Officer-in-Charge Brig. Gen. Christopher Abrahano ang mga police district at station na makipag-ugnayan sa local government units, transport authorities at iba pang ahensya upang matulungan ang mga commuter na posibleng maapektuhan ng tigil-pasada.

Paiigtingin ang police visibility sa mga terminal, pangunahing kalsada, business district, paaralan, commercial areas at iba pang lugar na inaasahang dadagsain ng mga pasahero.

Nakahanda rin ang NCRPO na magbigay ng “Libreng Sakay” sa mga commuter na ma-stranded o mahihirapang makasakay.

Sinabi ni Abrahano na igagalang ng pulisya ang karapatan ng mga transport group na magsagawa ng mapayapang protesta ngunit hinimok ang mga kalahok na panatilihing maayos ang kanilang pagkilos at igalang ang mga driver at operator na pipiling bumiyahe.

Nakatakdang magsagawa ang Manibela ng transport strike mula Setyembre 28 hanggang 30, habang magsasagawa naman ang PISTON sa Setyembre 29 at 30, bilang protesta sa mataas na presyo ng produktong petrolyo at panawagan para sa dagdag na tugon ng gobyerno.

Kasabay nito, epektibo rin sa Setyembre 28 ang provisional fare increase sa mga public utility vehicle, kabilang ang pagtaas ng minimum fare sa ordinary jeepney mula P13 patungong P14 para sa unang apat na kilometro. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here