MANILA, Philippines – Umabot sa 9,530,350 ang bilang ng mga indibidwal na apektado ng pinagsamang epekto ng Southwest Monsoon (Habagat) at tropical cyclones Crising, Dante, at Emong, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Sabado, Agosto 9, 2025.
Katumbas ito ng 2,599,712 pamilya, 7,524 na pamilya o 28,703 katao ang namalagi sa 273 evacuation center, habang 12,004 na pamilya o 40,729 katao ang naihatid sa labas ng mga evacuation center.
Ang naiulat na bilang ng mga nasawi dahil sa pinagsama-samang epekto ng weather disturbances ay nasa 37, kung saan lima ang validated na at 32 pa ang isasailalim sa validation.
Ang mga nasugatan o nasaktan ay may bilang na 32, na may 24 na validated at walo pa ang dapat i-validate.
Samantala, sa walong napaulat na nawawala, apat na ang na-validate na, habang ang apat pa ay para sa validation pa.
Sinabi rin ng NDRRMC 815 na seksyon ng kalsada at 43 tulay ang naapektuhan.
Mayroong 88,492 na mga bahay ang nasira sa Region 1, Region 2, CAR, Region 3, CALABARZON, MIMAROPA, Region 5, Region 6, NIR, Region 7, Region 9, Region 10, Region 11, Region 12, CARAGA, BARMM.
Ang pinsala sa agrikultura ay tinatayang nagkakahalaga ng P3,159,733,667.11 na kumakatawan sa pagkawala ng produksyon.
May kabuuang 98,307 magsasaka at mangingisda ang naapektuhan.
Ang pinsala sa imprastraktura ay naka-pegged sa P16,506,257,464.1, kasama ang mga apektadong rehiyon tulad ng sumusunod: Region 1, Region 2, CAR, Region 3, CALABARZON, MIMAROPA, Region 5, Region 6, NIR, Region 10, Region 12.
Samantala, 1,756,525 pamilya ang nangangailangan ng tulong sa halagang P1,289,345,766.17.
Sa ngayon, tinulungan ng gobyerno ang 1,398,874 na pamilya, sabi ng NDRRMC. RNT/MND