MANILA, Philippines- Umakyat na ang naiulat na death toll mula sa tatlong magkakasunod na bagyo kamakailan sa 14, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Lima pa lamang ang nabeberipika sa bilang na ito, habang dalawa ang nawawala, ayon sa 8 a.m. situational report ng NDRRMC nitong Martes.
Umabot na ang bilang ng mga apektadong indibidwal mula kay bagyong Nika (international name: Toraji), Ofel (international name: Usagi), at Pepito (international name: Man-yi) sa 4.26 milyong indibidwal o 1.15 milyong pamilya sa buong bansa.
Sa mga apektadong indibidwal, 124,144 ang inilikas, 79,123 ang nananatili sa evacuation centers, habang 45,021 ang nananatili sa ibang lugar.
Upang tulungan ang mga apektadong indibidwal, nakapagbigay na ang pamahalaan ng P388,822,968 halaga ng tulong.
Base sa state weather bureau, lumabas ng boundary ng bansa si Nika noong November 12, si Ofel noong November 17, at Pepito noong November 18. RNT/SA