Home NATIONWIDE Nene dinonselya ng sariling ama, himas-rehas

Nene dinonselya ng sariling ama, himas-rehas

231
0

ILAGAN CITY, Isabela – Himas-rehas ang isang ama matapos gahasain umano ang kanyang sariling anak na menor de edad sa Brgy. Osmeña dito sa nasabing lungsod.

Sa direktiba ni PCol. Lee Allen Bauding, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office o IPPO na hanapin at panagutin ang mga nagkasala sa batas kung kayat naaresto si Alyas Jeff, 39-anyos at delivery rider na residente sa naturang lungsod.

Ang suspek ay tinaguriang Top 8 Most Wanted Person sa region 02 na may patung-patong na kasong Qualified Rape at Qualified Sexual Assault.

Batay sa ulat ng Women and Children Protection Desk (WCPD) ng Ilagan Component City Police Station (ICCPS), lumapit ang biktima, kasama ang kanyang tiyahin, noong Mayo 2023 upang isiwalat ang sinapit nito sa kanyang sariling ama.

Nagsimula umanong molestiyahin ng ama ang anak nito noong siyam na taong gulang pa lamang siya nang unang mangyari ang umano’y panggagahasa na paulit-ulit.

Hindi agad nakapagsumbong ang bata dahil sa matinding pananakot ng ama. Binalaan umano siya na huwag magsasabi sa kanyang ina na isang OFW kundi siya ay masasaktan at hindi na makakalabas ng bahay.

Naaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court, Branch 17 sa Ilagan City.

Siya ay nahaharap sa limang kasong kriminal at walang piyansang inirekomenda para sa kanyang pansamantalang kalayaan. REY VELASCO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here