Home ENTERTAINMENT Netizens, bet idamay sa problena sa baha si Pia!

Netizens, bet idamay sa problena sa baha si Pia!

2
0

Manila, Philippines – Inuurutan ng mga netizens si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na manghimasok sa isyu ng baha sa atin.

Makikita sa latest post ni Pia na on vacation sila ng asawang si Jeremy Jauncey.

Ayon sa mga nagmamarunong na netizens, kesa bakasyon daw ang atupagin nito’y gamitin ni Pia ang kanyang estado to address the issue on flood control.

Sayang daw ang milyun-milyong social media followers niya.

In short, ine-expect nila si Pia na tumalak sa isyu ng baha.

So, walang karapatan si Pia to enjoy her break with her spouse, ganoon ba?

Tuloy, umaalma ang mga fans ni Pia.

Anila, may saril itong diskarte at paraan para isulong ang kanyang adbokasiya.

Kailangan daw bang saluhin ni Pia ang mga problema ng bansa?

Doesn’t she have problems of her own?

Porke daw ba’t nasa bakasyon, eh, wala nang pakialam si Pia sa mga ganap sa paligid?

Sey nila: “Sa gobyerno kayo magreklamo…hindi kay Pia! Huwag n’yo siyang idamay sa baha!”

Tamah! Ronnie Carrasco IiI

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here