Home ENTERTAINMENT Netizens, bigo kay Angel sa nagdaang bagyo!

Netizens, bigo kay Angel sa nagdaang bagyo!

Manila, Philippines – Asang-asa ang mga netizens na muling magpaparamdam si Angel Losin nang manalasa kamakallan ang bagyong Carina.

Pero bigo sila dahil walang Angel na nabalita sa social media na lumabas ng kanyang bahay para magtawid ng tulong sa mga nasalanta ng nasabing kalamidad.

Kilala pa naman si Angel bilang real-life Darna sa buhay ng ating mga kababayan na sa maraming pagkakataon ay hindi pumapalya sa kanyang pagtulong.

Ilan nga sa mga panahong ‘yon ay ang pananalasa ng bagyong Ondoy noong 2007 at storm surge dala ng bagyong Yolanda noong 2013.

Puwera pa rito ang itinatag na community pantry ni Angel noong panahon ng pandemya four years ago.

The aftermath of typhoon Carina had seen considerable damage.

Kinailangan ding ilikas ang mga naapektuhan ng matinding baha mula sa kanilang mga lugar to be brought to evacuation centers while waiting for help to come by.

Hindi tuloy magkamayaw ang mga netizens sa pagtatanong kung nasaan na si Angel while all this was happening?

In her absence though ay marami rin namang taga-showbiz ang nag-abot ng kanilang abang ambag.

Pero para sa mas nakararami, iba pa rin daw talaga ang “Angel Locsin touch.”

Pinangatawanan na talaga ni Angel ang pagiging butihing maybahay ni Neil Arce.

For once, huwag nating ipagkait sa kanya ang karapatang ‘yon. Ronnie Carrasco III