Home ENTERTAINMENT Netizens kay Kyline: umaarte lang!!

Netizens kay Kyline: umaarte lang!!

Manila, Philippines- Kabaligtaran ng transparent ang tingin ng mga netizens kay Kyline Alcantara sa paglalagalag nito sa El Nido sa Palawan supposedly to enjoy.

Bahagi raw ito ng kailangan niyang healing process sa breakup nila ni Kobe Paras.

Pero ayon sa mga netizens na animo’y kabisado ang Kapuso actress, ipinagkakanulo raw si Kyline ng mga mata nito.

Malamlam daw kasi ang mga mata ni Kyline, may kasabihan pa manding one’s eyes are the windows to his soul.

Bale ba, diskumpiyado rin ang mga netizens na kasama ni Kyline sa El Nido.

Mukha raw mga bagong kakilala lang niya ang mga ito–is this the kind of friends she can rely on to lift her up?

Kung sisipatin, ‘yung mga kasama ng aktres look like they are more of Kobe’s friends.

At ang the height nga ng pamba-bash kay Kyline: umaarte lang daw ito na kunwari’y unbothered sa sinapit ng relasyon nila ni Kobe.

Pero deep within, nagdurugo pa rin ang kanyang puso!

So, what do these netizens suggest that Kyline does? Or expect her to do?

Magmukmok?

Heller! Ronnie Carrasco III