Home TOP STORIES Netizens: Romero dapat lang parangalan sa tunay na ambag sa bayan

Netizens: Romero dapat lang parangalan sa tunay na ambag sa bayan

27
0

MANILA, Philippines – Giit ng ilang netizens, mas dapat umanong pahalagahan at parangalan ang isang tulad ni Philippine Air Force Reserve Brig. Gen. Michael L. Romero kung napatunayan naman ang kanyang mga naging ambag sa bansa.

Ayon sa kanila, hindi dapat maging isyu ang pagkakaroon ng maraming medalya at parangal kung ang mga ito ay bunga ng serbisyo at konkretong kontribusyon sa bayan.

Kabilang sa binabanggit na ambag ni Romero ang kanyang naging papel bilang mambabatas sa AFP Salary Standardization, na naglalayong mapabuti ang sahod at benepisyo ng mga sundalo.

Binanggit din ang kanyang mga naging tulong sa mga batang nangangailangan ng operasyon, gayundin ang mga humanitarian activity at relief efforts, lalo na noong panahon ng pandemya.

Para sa ilang netizens, mas nakabubuti sa bansa na kilalanin ang mga taong may naibigay na konkretong serbisyo kaysa sa mga politikong, ayon sa kanila, ay wala umanong malinaw na ambag at sa halip ay nakadaragdag pa sa paghihirap ng mga maralita.

Sa kanilang pananaw, hindi ang dami ng medalya ang dapat pagtalunan kundi kung ano ang ginawa ng isang tao para sa bayan.

At kung ang mga parangal kay Romero ay nakabatay sa kanyang aktuwal na serbisyo at opisyal na rekord, anila, nararapat lamang na igalang at kilalanin ang mga ito. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here