Pagtanggap ng cash suitcases, mariing itinanggi ni Rep. Abante
MANILA, Philippines - Itinanggi ni Manila Rep. Bienvenido Abante Jr. ang alegasyon na tumanggap siya ng mga suitcase ng pera, at sinabi niyang “malicious” at politikal ang akusasyon dahil sa kanyang paninindigan laban sa extrajudicial killings (EJKs) noong nakaraang administrasyon. Ayon kay Abante, kasama sa nag-akusa sina dating Rep. Mike Defensor at broadcaster Jay Sonza, ngunit ito ay “completely false,...
P1.97B ismagel yosi nakumpiska sa Western Mindanao
ZAMBOANGA, Philippines - Nasamsam ng Western Mindanao Naval Command (WMNC) ang tinatayang PHP197.2 milyon na smuggled cigarettes sa dalawang magkasunod na maritime operations, ayon kay Rear Adm. Constancio Arturo Reyes Jr. Noong Miyerkules, na-intercept ng naval personnel ang motorboat na M/B Skyblue sa southeast ng Sibago Island, Basilan na may dalang 460 master cases ng foreign cigarettes na nagkakahalaga ng...
“Interference” sa pagpatrolya sa WPS iniulat ng PH Navy
MANILA, Philippines - Iniulat ng Philippine Navy (PN) na nakaranas ng “interference” sa kanilang communication at sensor systems habang nagpapatrolya sa West Philippine Sea (WPS), kabilang ang Bajo de Masinloc. Ayon kay Rear Adm. Roy Vincent Trinidad, maaaring tumukoy ang “interference” sa jamming ng electronic o radio signals mula sa mga puwersa ng ibang bansa. Sa pagtugon sa semi-permanenteng presensya ng...
VP Sara may prospect running mate sa 2028; desisyon ‘di pa final
MANILA, Philippines - Kinumpirma ni Vice President Sara Duterte na may kausap siyang posibleng running mate para sa 2028 presidential elections, ngunit hindi pa nakapagdesisyon ang tao. Sinabi niya na pinoprotektahan niya ang privacy ng prospective mate laban sa posibleng political attacks. “Hindi ko muna pag-uusapan ‘yung running mate… kailangan natin siya protektahan… para sila ay makapagdesisyon,” ani Duterte sa...
Pagkakaisa, serbisyo, binigyang-diin sa pulong ni PBBM kay Leni, Pacquiao
MANILA, Philippines - Demonstrasyon ng pamumuno na naka-angkla sa pagkakaisa at public service kung ilarawan ng Malakanyang ang kamakailan lamang na pulong sa pagitan nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at dating Vice President at kasalukuyang Naga City Mayor Leni Robredo at dating Sen. Manny Pacquiao. Nito lamang nakaraang Sabado sa Naga City, nagpulong sina Pangulong Marcos at Robredo para...
Malaking anti-drug operation sa Valenzuela City, iniulat ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela
Ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela, sa pakikipagtulungan ng Philippine Drug Enforcement Agency, ay ipakita ang buong detalye ng naganap na operasyon hinggil sa isang malaking anti-drug operation sa Valenzuela City. Noong Pebrero 22, 2026, binuwag ng PDEA ang isang clandestine na methamphetamine (Shabu) laboratory sa loob ng isang warehouse sa Barangay Veinte Reales. Nasamsam ang humigit-kumulang ₱6.6 bilyong halaga...
Panunumpa ni Rep. Teodoro, mga Heneral, mataas na Opisyal ng Sandatahang Lakas
Nanumpa kay Senate President Vicente Sotto III si Marikina Congressman Marcelino "Marcy" Teodoro bilang bagong miyembro ng Commission on Appointment (CA) habang naging saksi ang kanyang asawang si Maan Ang Teodoro nitong Miyerkules (Peb. 25, 2025) at pinangunahan din ng Senate President ang pansamantalang mga appointment ng 81 Heneral at mataas na Opisyal ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas. (CESAR...
Seguridad sa Tawi-Tawi na ginagamit bilang ‘backdoor exit’, pinaigting ng PNP
MANILA, Philippines - Pinalakas ng Philippine National Police (PNP) ang seguridad sa Tawi-Tawi matapos maiulat na ilang personalidad ang umano’y gumagamit ng “backdoor exits” para makalabas ng bansa nang hindi nahuhuli. Ayon kay PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., inutusan niya ang provincial police na palakasin ang presensya sa mga lugar na ginagamit umano bilang ruta ng pagtakas. "This is...
Seguridad, integrasyon, sosyal na kaunlaran, prayoridad ng Pinas sa ASEAN 2026
MANILA, Philippines - Nagsimula na ang Pilipinas sa pagpapalakas ng mga prayoridad bilang Chair ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) para sa 2026, kabilang ang seguridad, integrasyon ng ekonomiya, at sosyal na kaunlaran. Noong Enero, pinangunahan ng Pilipinas ang ASEAN Foreign Ministers’ Retreat sa Cebu upang itakda ang strategic direction ng ASEAN, kabilang ang pag-abot sa Code of Conduct...
Malakanyang sa money delivery scheme ng 18 ex-marines: ‘lousy script’
MANILA, Philippines - “Lousy script, hindi pang-award winning.” Ganito kung ilarawan ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang ang alegasyon ng 18 dating Marines na di umano'y naghatid ng bilyong pisong cash sa tahanan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at dating House Speaker at Leyte Rep. Martin Romualdez. "Paulit-ulit na kasinungalingan...












