Home NATIONWIDE Pagkakaisa, serbisyo, binigyang-diin sa pulong ni PBBM kay Leni, Pacquiao

Pagkakaisa, serbisyo, binigyang-diin sa pulong ni PBBM kay Leni, Pacquiao

174
0

MANILA, Philippines – Demonstrasyon ng pamumuno na naka-angkla sa pagkakaisa at public service kung ilarawan ng Malakanyang ang kamakailan lamang na pulong sa pagitan nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at dating Vice President at kasalukuyang Naga City Mayor Leni Robredo at dating Sen. Manny Pacquiao.

Nito lamang nakaraang Sabado sa Naga City, nagpulong sina Pangulong Marcos at Robredo para ag-usapan ang flood control measures sa ilalim ng Oplan Kontra Baha program ng gobyerno. Nagkita na rin ang dalwa sa Malakanyang sa ginawang paglulunsad sa “Sa Bagong Pilipinas, Bawat Bayan Makikinabang”, araw ng Lunes.

Dumalo rin ang Pangulo sa isang seremonya na nagbigay-galang kay Pacquiao para sa kanyang kontribusyon sa Philippine sports, araw ng Martes.

“Ipinamalas ng tatlong leader na kahit naging magkakatunggali sila sa nakaraan eleksyon ay hindi ito magiging hadlang sa pagtutulungan at pagse-serbisyo para sa bayan,” ang sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang.

Matatandaang natalo ni Pangulong Marcos sina Robredo at Pacquiao sa 2022 presidential race.

Sinabi pa ni Castro na kapag ang lider ay ‘makatotohanan, mapagkumbaba at may malasakit, makikinabang ang bansa. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here